Wednesday, December 5, 2012

OFW pinaghihinalaang Ibinenta sa iba pang agency, while abroad


Nanawagan si Sheila Marie P. Macabugwas sa mga kinuukulan na sana matulungan ang kanyang kapatid na babae na makauwi na ng pilipinas dahil  ibinebenta ang kapatid niya sa ibat ibang ahensiya.


Dear/Sir Madam,

Ako po si Sheila Marie P. Macabugwas, nakakabatang kapatid ni Myla Mae Macabugwas.

Ilang beses napo ako nag send ng email sa POLO, Philippine Overseas Labor Office in Kuwait , nanghihingi ng tulong sa kapatid kong si Myla Mae Macabugwas, Tumawag na po ako direct sa emergency hotline nila, ang sabi ng nakausap ko magsend ng email for formal written request, Kaso hindi naman po sila nagrereply. Kayo naisipan ko pong magpadala ng letter sa lahat ng ahencia ng gobyerno, nagbabakasakaling, may makapansin sa sulat ko.

Nung Sept 18,2012 po, nakarating ang kapatid ko sa Kuwait, under sa Agency Niya sa Manila

Agency Details:
  • Agency: Mona Ahmed Office
  • Hawally Tunis St. Bed Center Basement Office #4 (0926-7384597)
  • Manila Branch: 0916-8549065 / 0999-7031975 (Bernardo Compound Luzon, Pasong Tamo, Quezon City)
  • Cebu Branch: 0932-4046456 / 0947-1485960
  • Midol International Human Resources Inc.
  • POEA License: 080-LB-051311-R
  • Room 308B, WDC Bldg, Osmena Blvd. Cebu (032-5206-389)
Ilang beses po akong tumatawag at nag fofollow up sa agency sa Manila regarding sa kapatid ko kaso lagi nilang sinasabi na maghintay ng 3 months dahil nag-aadjust palang.

Nung hindi napo ako mapalagay Nov 7, 2012, tinawagan ko yong employer na binigay niya sa akin bago siyaa umalis ng Bansa:

Employer's Information:
  • Name: Abdullah Sami Abdulakareem Saleh
  • Nationality: Kuwaiti
  • Address: Alfaiha Blk 9 St 98 H 4
  • Tel. No: 99373117
  • Blood Type: B+
  • Birthdate: 07/08/1969
  • Passport: 6908072M1307193KWT10477915
Members of the Family:
  • Emman - 40
  • Hamoodi - 16
  • Ebrahim - 11
Ang sabi po ng nakausap ko "NO SPEAK ENGLISH" kaya naghanap po ako ng kakilala na marunong magsalita ng Kuwaiti, at napag-alaman namin na wala pa duon ang kapatid ko, binalik daw sa agency. Tumawag ako ulit sa agency nya sa Manila, para malaman ang sitwasyon, after 2 days tumawag sila ulit ang sabi, nilipat nga daw po ng ibang employer, mas magandang employer, at sabi eh kokontakin daw po ako ng kapatid ko within few days.

Itong gabi pong ito, nakatanggap ako ng tawag sa kapatid, Nov 11,2012, 7:00pm, hindi niya alam, na ako pala ang nangulit na e-track down siya, binigyan daw po siya ng calling card at pinagamit ang phone para tawagan ako.

Habang nasa kabilang linya, naririnig ko pong umiiyak ang kapatid ko, ang sabi po niya, hindi daw totoo na ang binigay na employer info eh yon ang employer, ginamit lang nila yon para sponsor, at makapunta sa Kuwait, sabi pa nya, pagdating nya ng kuwait, ibinenta daw po siya sa ibang agency, at ngayon, wala siyang pinanghahawakan na contrata, at hindi nya alam ang pangalan ng employer at address niya, at sabi nung amo nya 5 buwan daw po siyang walang sahod, dahil binili siya sa agency.

Gusto nya nalang daw po sana umuwi, kaso tintatakot siya kailangan niya bayaran ang 100,000 pesos, at another 70,000 pesos na guaranteed fee, pag di niya tinapos ang contract, which is hindi tama dahil wala naman talagang contract, pinapirma lang sila ng isang guaranteed letter.

Kinabukasan (Nov 12,2012) nung tinawagan ko ulit ang opisina nila Midol Human Resources 0916-8549065 ang sabi ng nakausap ko, tumawag daw ako sa opisina nila sa 931-3184, kaso wala naman pong sumasagot, kasalukuyan po akong 7 months pregnant ngayon, at ang sitwasyong ito ay imbes na makatulong saming kalagayan, eh lalong nagpapasama pa. Wala po kasi ibang umaasikaso nito kundi ako lang. Nanghingi na po ako ng tulong sa mga kamag-anak ko sa Manila na nasa Gobyerno din sana nagtatrabaho, kaso ayaw daw po nilang mangi-alam sa problema namin.

Sana po makatanggap ako ng reply sa inyo. E-aatach ko po sa inyo ang guarantee letter na pinapirmahan ng kapatid ko, at picture ng kapatid ko.

Ito po details ng ate ko:
  • Name: Myla Mae P. Macabugwas
  • Age:28
  • Address: Agus, Lapu-lapu City, Cebu
  • B-day: Nov. 30, 1984
  • Height: 5'4
  • Nationality: Filipino
  • Civil Status: Single
Details ko po, in case in any news from her:
  • Name: Sheila Marie P. Macabugwas
  • Address: 58-b, Garcia Heights, Bajada, Davao City
  • Contact No: 09223207179, 09175398084, 082-3059412
  • Relationship: Sister

Last No. Contacted: +96599373117

Paki-share na lang po tulungan po natin sila. Maraming Salamat po.

Source: Bisaya Group Tapok-Tapok