Tuesday, December 4, 2012

Nangangailangan ng Pagkain, tubig at masisilungan sa Davao Orientral at Compostela Valley


Nangangailangan umano ngayon ng karagdagang suplay ng relief goods ang mga kababayan na labis na sinalanta ng bagyong Pablo sa Davao at Surigado del Sur provinces.

Photos from AP

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Office of the Civil Defense-Region XI Dir. Liza Mazo, sinabi ng opisyal na sa ngayon ay immediate needs umano ng mga biktima ng kalamidad ay pagkain at malinis na tubig.

Nagtutulungan na rin aniya ang mga kinauukulang local government units at private sector para maagapan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi pa ng opisyal na daang-daang pamilya rin ang nawalan ng tirahan partikular sa Davao Orientral at Compostela Valley, kung kaya't nangangailangan din ang mga ito ng pansamantalang matutuluyan.

Continue Reading at Bomboradyo