Sunday, December 9, 2012

‘Mommy D. Sinisisi ang pagpapalit ng relihiyon ng anak!


Nakakalungkot ang nang­­­yari kahapon kay Pambansang kamao Manny Pacquiao. Pinatumba siya ng kalabang si Juan Manuel Marquez na duguan naman.


Shocked ang mga nanonood sa live coverage at mga nakikinig sa radyo. Ang sinasabi tuloy nila, sana ay nag-retire na lang siya while on top. Nakaranas tuloy siya ng talo at KO pa. Sana raw ay nakinig siya kay Mommy Dionisia na pinagre-retire na siya ng matagal.

Galit na galit kasi ang hitsura ni Marquez. Nanggigigil. Ang laki pa ng katawan na parang robot. Although sa fifth round ay parang bugbog na si Marquez. Pero segundo lang daw nang napuruhan si Pacman. Nagkamali ng hakbang at saka pumasok si Marquez gamit ang kanang kamay.

Iyak nang iyak si Jinkee siyempre dahil tulog talaga si Pacman. Pero hindi raw agad pinayagang makalapit sa asawa right after the fight. Nakunan siya ng photo na pinipigilan ni Bob Arum na lapitan ang asawa.

“I went over to Jinkee and comforted her. She was a little hysterical,” sabi sa interview sa boxing promoter.

Ang bongga pa naman ng beaded headband ni Jinkee na kitang-kita sa photos na kuha ni Ms. Ces Drilon na uploaded sa kanyang Twitter account.

Ganunpaman, pulitika ang sinisisi ng fans kung bakit nabawasan din ang lakas ni Pacman pero kitang-kita naman sa mga pinakawalan niyang suntok na malakas pa siya.

Iba naman ang pakiramdam ni Mommy D. Ang pagpapalit ng relihiyon ang naisip niyang rason sa pagkatalo ng anak: “Sa aking side, gusto ko, huwag niyang iwan ang sign of the cross. ‘Yun ang nakayaman sa kanya noon,” sabi ni Mommy D. sa interview ng DZMM.

Isa nang Christian si Pacman sa kasalukuyan na ang sabi’y ito ang nagpabago sa ugali ng boxing superstar – kung noon marami siyang barkada, nagsusugal, at umiinom, nang maging Christian ay nawala lahat ‘yun na ikinatuwa ni Jinkee.

Anyway, right after the fight, tinanggap ni Manny ang pagkatalo. Inamin din niyang naging over confident siya.

Kaya move on na tayo. Ganun talaga. Si Pacman nga tanggap niya ang naging kapalaran niya. Pinasikat naman niya ang mga Pinoy sa boxing at siya lang naman ang Pinoy na nakarating sa ganyang level.

Ang hintayin natin ay kung hihirit pa si Pacman ng panibagong laban para makabawi sa Mexicanong boxer.

Pero sa tweet ni Dr. Vicki Belo, nanghihingi siya ng dasal para kay Pacman.

“Manny is under observation at the hospital which is as it should be. Let’s pray that Manny’s brain does not swell and that there are no complications or permanent damage of any kind after this knockout.”

Ang lakas daw kasi talaga ng tama.

“They say the trauma of a punch like that is like being hit by a bowling ball traveling at 30 miles per hour. Yikes,” tweet ni Doktora Belo. OMG. Pray, pray tayo.