Monday, December 10, 2012

Manny Pacquiao naiyak na binigo ang mga fans, pamilya


indi na napigilang maiyak ni eight-division world champion Manny Pacquiao dahil sa maraming nabigo at hindi niya naibigay ang panalo kahapon sa laban kay Juan Manuel Marquez.


Bumigay din sa emosyon si Pacman isang araw matapos ang laban.

Inamin ni Manny na nasasaktan siya na makita ang kanyang pamilya na naiyak din dahil sa kanyang sinapit na masaklap na pagkatalo.

Ayon kay Pacquiao, naiiyak siya lalo na umano ang kanyang mga kababayan at mga fans na malungkot at naghahangad sana na makita siyang panalo.

Nangangamba si Manny na baka dismayado o low morale ang kanyang mga tagahanga matapos na hindi niya malusutan ang ika-apat na pakikipagtuos kay "El Dinamita."

Muli ring tiniyak ni Pacquiao na para sa kanya ay tanggap nya ang nangyari at maayos naman ang kanyang kalagayan dahil ganon talaga ang boksing at bahagi ito ng kanyang trabaho.

"Pero nakikita ko sa mga reakisyon ng mga tao, mga Pilipino na maraming umiiyak lalo na ang pamilya ko umiiyak, nasasaktan ako," ani Pacquiao na nangingilid ang luha sa isang interview mula sa Las Vegas. "Ayaw ko kasing nasasaktan ang pamilya ko, 'yong mga tao na sumusuporta, 'yong maano sila, low morale. Gusto ko silang pasayahin. Malungkot silang lahat. Sa akin walang problema tanggap ko naman kasi 'yan ang trabaho ko."

Continue Reading at (Bomboradyo)
Written by Dennis Jamito