Thursday, November 22, 2012

NCAA Umiskor si Jack Taylor ng 138 points; Bryant at Anthony, bumilib


GRINNELL, Iowa - Nagtala ng kasaysayan ang isang college basketball player sa NCAA Division III matapos na umiskor ng mahigit 130 points.

(Photo: Cory Hall, USA TODAY Sports)

Pambihirang performance ang ginawa ng sophomore guard ng Grinnell College na si Jack Taylor makaraang talunin nila ang Faith Baptist Bible College sa iskor na 179-104.

Umiskor si Taylor ng 138 points na kung saan halos siya na ang gumagawa para sa buong koponan.

Pumukol ito ng 27 three-point attempts sa kaniyang 36-minutes playing time.

Sa ipinakitang kakaibang galing ni Taylor, maging ang ilang sikat na NBA player ay bumilib sa kaniyang ginawa.

Pabirong sabi ni LA Lakers superstar Kobe Bryant, nakakabaliw ang ipinamalas ni Taylor na umiskor ng 58 points sa halftime.

"That's crazy, man. I don't care what level you're at. Scoring 138 points is pretty insane," wika ni Bryant. "He must have been wearing the Mambas, man. Only Mambas have no conscience to shoot the ball that much."

Para naman kay New York Knicks franchise player Carmelo Anthony, ang makapuntos ng mahigit 100 ay parang laro sa isang video game.

"I never heard of nothing like that. That's like a video game," ani Anthony. "How can you shoot 100 times, though?"

Matatandaang huling may naka-iskor ng mahigit 100 points sa NCAA ay noong 1954 kung saan nakapagtala ng 116 points si Bevo Francis ng University of Rio Grande. (Bomboradyo)