Ani Senator Sotto, “Copying, imitation, is the highest form of flattery. If it upsets the Kennedy family, then I am sorry, but then that’s not my intention.”Inaamin ni Sotto na kinuha niya sa internet ang kanyang speech tugma sa ipinaglalaban niya kontra RH Bill ngunit hindi niya alam na ito ay kay dating US Senator Robert Kennedy.
Matatandaan na noong Nobyembre 9 ay naglabas ng official statement ang anak ni yumaong U.S. Senator Kennedy na si Kerry Kennedy.
Dito’y direktang pinaratangan ni Kerry ang senador na nag-plagiarize ng bahagi ng “Day of Affirmation Speech” ng kanyang ama.
Noong una ay matigas ang paninindigan ng senador na hindi siya magbibigay ng public apology sa pamilya ni Senator Kennedy.
“Ha? For what? Hangga’t walang official [copy of complaint], don’t say a word. Because ano ang re-react-an mo? E, baka imbento lang iyan ng mga aficionado doon, ng mga professional manipulator sa Internet.”Ngunit makalipas ang isang araw ay biglang nagbago ang isip ng senador at nagbigay humingi na ng paumanhin.
Kung ito umano ay ikinasasama ng loob ng pamilya Kennedy, ay humihingi siya ng paumanhin.
Ngayong may nakahain ng ethics complaint laban kay Sotto sa Senado, nanawagan ito sa kanyang mga kasamahang senador na suriin ng mabuti ang backrounds ng mga nag-aakusa sa kanya na aniya'y pawang pabor sa RH Bill.
Hindi rin pinalampas ni Sotto ang mistulang hindi paggalang ng ilang miyembro ng Kamara sa inter-parliamentary courtesy kung saan ang mismong tanggapan ng Akbayan Partylist ang nagsasapubliko ng kanyang ethics complaint.
Source : BomboRadyo,Remate
Photos from google.com