Sunday, November 4, 2012

NY Knicks, tinambakan ang Philadelphia 76ers, 100-84


NEW YORK - Matapos pahiyain ang defending champion Miami Heat, tinalo naman ngayon ng New York Knics ang Philadelphia 76ers.

Sa tulong nina J.R. Smith at Carmelo Anthony, tinambakan ng Knicks ang 76ers sa iskor 100-84. Nakapagtala ng 27 points si Anthony na dinagdagan pa ng 20 puntos ni Smith.

Sa halos kabuuan ng laro, dinomina ng New York ang laban sa pamamagitan ng maganda nilang shooting performance.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ng Knicks ang 2-0 win loss record habang ang Sixers ay mayroong isang talo at isang panalo.

Sa panig ng Philadelphia, umiskor si Jrue Holiday ng 27 points. (BomboRadyo)