Thursday, November 8, 2012

Lakers, talo sa Jazz sa ikaapat na laro, 95-86


SALT LAKE CITY -- Nalubog ngayon sa 1 win at 4 loss record ang Los Angeles Lakers matapos talunin ng Utah Jazz, 95-86.


Nagtala ng 18 points si Al Jefferson habang 17 points naman ang ambag ni Randy Foye para sa winning team.

Kinapos naman ang 29 points ni Kobe Bryant para maiangat ang Lakers.

Sa early quarter ng laro, halos 16 points ang naging kalamangan ng Jazz. (BomboRadyo)