Thursday, November 1, 2012

Internet Hackers, muling umatake sa gov't site


Muling umatake ang internet hackers laban sa isa sa mga importanteng government website sa ating bansa.

Ito'y sa kabilang ng holiday ngayong araw bilang paggunita ng All Souls Day at All Saints Day.

Sa kanilang iniwang mensahe sa National Telecommunications Commission (NTC) webpage, nakalagay lamang ang mga katagang "Hello and welcome. Presented by Sh4d0wFiend_h4x04 at Wizkidl33t."

Agad ding lumilipat sa halloween link tuwing bubuksan ang main page ng NTC.

Ang nasabing tanggapan ang nangangasiwa at tumututok sa mga usaping may kaugnayan sa telecommunications.

Maraming ulit nang binatikos ang ahensiya dahil sa alegasyong mas kinakampihan nito ang mga dambuhalang telcos, bagay na itinatanggi naman ng mga opisyal ng NTC.

Source : Bomboradyo