Good News para sa mga Government employees good news nga ba? magkakaroon nga daw ng performance-based bonus ang mga manggagawa ng gobyerno.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, magiging tatlo na ang bonus ng mga government workers. ito ang kanyang pahayag...
”So ‘pag gobyerno, ‘yong pinag-uusapan, normally, tatlong bonus po. Naging tatlo na po ‘yong bonus na pinag-uusapan natin. Una, ‘yong 13th month bonus po natin... ‘yong 13th month pay po natin na kapareho din po nung mga natatanggap ng kawani sa pribadong sektor. Pangalawa, ‘yong tinatawag po nating Productivity Enhancement Incentive. Noong nakaraang taon, tumayo po ‘yan sa P10,000 at lahat po ‘yan binibigay ng national government. Dati po kasi, hinahati pa ho ‘yan. Noong 2010, P7,000 po ‘yan...‘yong pondo na nanggaling sa national government per employee, tapos ’yong P3,000 po, galing po ’yan dapat sa savings ng ahensiya. Ang nangyayari po, at least in the case of 2010, meron po kasing mga ahensiyang wala hong savings kaya hindi po nila naibibigay ’yong component nila. Noong 2011, ang ginawa po ng national government, ’yong buong P10,000 po binigay na mula sa national government. So pantay-pantay po ‘yong nakuha natin apart from the 13th month bonus,” ani Valte.
Source : BomboRadyo