Powered by Jasper Roberts Consulting - Widget
 

Wednesday, November 14, 2012

4 patay sa masaker; bangkay nasa septic tank






CAGAYAN DE ORO CITY - Apat na miyembro ng pamilya ang pinatay at inihulog sa septic tank sa isang comfort room sa District 7 Agong, Canitoan sa syudad.

Kinikilala ang mga biktima na sina Christopher Lastimosa, 38; Lea Sumagan, 34, at mga anak nito na sina Charlene Lastimosa, 6, at Christian Lastimosa, 9.

Sa interview ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, sinabi ni P/Insp Ritchie Yandug, station commander ng Bulua Police Station, tumawag sa kanilang opisina ang kapatid ng biktimang si Christopher at nag-report na may nakita itong "traces of blood" galing sa sala ng bahay ng biktima patungo sa labas.

Nang magresponde ang pulisya, kanilang nakita ang mga biktima na inilagay sa loob ng isang septic tank.

Continue Reading at BomboRadyo