Monday, October 22, 2012

Taal Volcano, nakapagtala ng 11 pagyanig


Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 11 pagyanig sa Taal Volcano sa nakalipas 24 oras.


Ayon sa Phivolcs, bukod sa mga pagyanig, nakapagtala rin sila ng ilang pagbabago sa temperatura at physical condition ng paligid nito.

Mula sa init ng tubig na 32.6°C, umakyat ito ng bahagya sa 32.8°C, habang mula sa taas ng tubig na 1.14 meters ay umaabot na ito ngayon sa 1.21 meters.

Bahagya naman bumagsak ang acidity level nito na indikasyon ng pagbabago sa komposisyon ng tubig.

Maging ang carbon dioxide (CO2) emission sa main crater ng bulkan ay bahagya ring tumaas.

Gayunman, nananatili lamang sa alert level 1 ang ipinatutupad ng Phivolcs habang patuloy na inoobserbahan ang naturang bulkan.

Source : Bombo Radyo Philippines