Tuesday, October 30, 2012

LeBron James, nanguna sa panalo ng Heat vs Celtics, 120-107


MIAMI — Bagama't may inindang injury, nagtala pa rin ng 26 points at 10 rebounds si LeBron James para pangunahan ang panalo ng defending champion na Miami Heat sa kaninang unang laro kontra Boston Celtics, 120-107.

Humakot din ng 29 points si Dwyane Wade habang 19 points naman ang ginawa ni Ray Allen sa kaniyang first game sa bagong koponan.

Sa Celtics, gumawa ng 23 points si Paul Pierce at 20 points, 13 assists naman para kay Rajon Rondo.

Source : Bomboradyo