Pinayuhan ngayon ni reigning WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. si AJ “Bazooka” Banal na huwag mawalan ng pag-asa sa pangarap nitong makasungkit ng world title, kasunod nang masaklap na pagkatalo kay Pungluang Sor Singyu ng Thailand.
Ayon kay Donaire, batid nito ang pakiramdam ng isang talunan subalit dapat umanong magsilbing hamon sa lahat ang kabiguan para lalo pang pagbutihin ang susunod na laban.
Tinukoy pa ng tinaguriang “The Filipino Flash” na maging si 8-division world champion Manny Pacquiao ay nakalasap din ng pagkatalo bago nito naabot ang kasalukuyang status ng kaniyang career. [Pinoybalita]
PINOY PRIDE XVII: AJ BANAL VS PUNGLUANG SOR SINGYU (FIGHT VIDEO) - 21 OCTOBER 2012