Thursday, October 25, 2012

Dokumentaryo ng Pacquiao-Marquez fight, ipapalabas next month


NEW YORK – Ang inaabangang dokumentaryo para sa Part IV fight nina 8-division world champion Manny Pacquiao at Mexican boxer Juan Manuel Marquez ay ipapalabas na.


Ayon kay HBO sports executive producer Rick Bernstein, ang four-episodes ng road to Pacquiao-Marquez fight ay sisimulang i-ere sa November 17, November 24, December 1 at December 7.

Makikita sa nasabing dokumentaryo ang ginagawang paghahanda at preparasyon ng dalawang boksingero kasama na ang araw-araw na routine bago ang pinakaabangang laban.

Ang Pacquiao-Marquez fight ay gaganapin sa December 9 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

Source : Bombo Radyo Philippines