Todo suporta ang Philippine Basketball Association sa gagawing pag-lobby ng samahang basketbol ng pilipinas para makuha ang hosting ng 2013 Fiba-Asia Men’s Championship.
Magsasanib pwersa sina SBP President Manny V. Pangilinan, SBP Vice Chairman Ricky Vargas, SBP Executive Director Sonny Barrios, PBA Commissioner Chito Salud, PBA Chairman Robert Non At PBA Vice chairman ramon segismundo sa gagawing presentasyon ng pilipinas sa Fiba-Asia bidding sa September 18.
Ang iba pang mga nasyon na naghahangad na magsilbing host ng 2013 Fiba-Asia tournament ay ang Iran, Jordan at Japan.
Ang Pilipinas ang host ng inaugural staging ng Fiba-Asia championship noong 1960, at tayo ay five-time winner sa prestihiyosong cagefest.
Source : [PTV Sports]