Sunday, July 29, 2012

Mandurukot sa EDSA hindi mahulihuli bakit kaya?



Ramil Joaquin -  Mag-ingat kayo sa mamang ito marami na ang nadukutan o nanakawan sa EDSA, Tandaan nyo ang mukha ng tao na ito. Mandurukot sya! Muntik na ako mabiktima sa MRT Buendia bus stop. May mga kasabwat pa yan. Ganito modus operandi nila. Mauunang sasakay yung mga kasabwat sayo then biglang babalik pababa ng bus habang nasa estribo ka. Sasalubungin ka habang ikaw ay paakyat ng bus at sisiksikin ka talaga ng todo para hindi mo maramdaman yung kasabwat ulet sa likod mo. Yun nasa likod mo dudukot ng cellphone mo. I'm pretty sure marami pa silang ibang style. Hindi lang yan. Kaya dapat talaga mapagmasid sa paligid.



  • Rosalie Rabino Patricio: Sa mei boni.. hot spot din daw po ng mga magnanakaw un.. same style.. sisiksikin ka sa bus para di mo ramdam na mei ginagawa na silang kalokohan.. so ingats ingat lang po..
  • Donat Continente: Minsan sa libertad yang mga grupo na yan,siniksik nila mga nasa bus
  • Edmark Consignado Quipe: Meron pa ka grupo yan sa my mayapis pg sumaky k ng lrt leveriza baclaran... may hiwa sa kamay.. mgnanakaw din un.. ingat
  • Rafael Joseph Santos: Madami po talga ganyan Mula Guadalupe-Ayala route na buses be alert nalang po ilang beses na ako naka experience na may kakapa sa bulsa mo kaya di na ako nag lalagy ng wallet sa likod na bulsa ngayon. Yng iba pa nyan magsusot ng shades para di halata kung sino tinitignan nila.
  • Elmer Andrada Llosa: Muntik na ung kawork ko nito sa bus din papuntang ayala,, naglalaro sya ng taptap revenge sa ipod nia nung pababa na ginitgit din siya ng ibang pababa (ANG AYALA KASI MARAMING NABABA MARAMING NASAKAY)
  • Guio Pascual: Nadukot itouch ko ng taong yan!
  • Unnamed: Confirmed ng officemate ko. Same person na nahuli niya kanina sa loob ng jeep from Buendia MRT na hawak wallet niya sa loob ng bag.
  • Unnamed: I've seen their style sa aircon bus cguro 3-4 times na. Usually byaheng Fairview or from Fairview na Bus pa-Edsa. Twice ako mismo ang sobrang siniksik eh akala nila hindi ko alam style nila kaya nung first instance binalya at tinulak ko yung mga magkakasabwat, second instance, pinasok ko yung kamay ko dun sa bulsa ko para di ako madukutan.. Just be aware Guys, nangsisiksik sila sa unahang part ng Bus..usually air conditioned na bus..Avoid putting cellphones, wallet at kahit anong valuable sa bulsa lalo na pag sasakay or bababa ng bus...tapos tiempo din sa pag akyat at pagbaba, magmasid at makiramdam.. Iba-iba ang looks ng mga mandurukot na to. Di mo aakalaing magkakasabwat..Salamat sa Diyos hindi ako nabibiktima ng mga 'to.