Thursday, June 21, 2012

Hoping to Reach a Family Member of Shasha Camliyan



Nananawagan ako sa inyong lahat kung sino man ang nakaka-kilala sa isa nating kababayan na OFW dito sa Kuwait. Namatay siya kahapon sa sakit na Tubercolosis dito sa hospital Alsabah Kuwait at hindi pa alam ng kanyang pamilya kung ano ang nangyari sa kanya. Florda Amot ang pangalan po niya sa pasaporte.
 Napag-alaman na ang pangalang kanyang ginamit sa pasaporte ay hindi niya tunay na pangalan. Shasha Camliyan ang totoo niyang pangalan. Taga Zamboanga City, 33 Years Old, Dalaga, Muslim at ang Tribu ay Tausug. Napag-alaman namin ang pangalan ng kanyang kapatid, Arcel Camliyan.

Nakapagtapos ito ng BS-Criminology mga kaibigan. Kung pwede po ay i-share po ninyo para po malaman ng pamilya niya kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi mapadala ang kanyang bangkay sa Pilipinas dahil hindi alam kung saan ang saktong address niya sa Zamboanga City. Maraming Salamat po.

 Source: Jovaira Sehadje