A Break-Up letter from an Upset customer
Taken on November 21, 2011 (3:54-4:00pm) at Chic-Boy Timog
Dearest ChickBoy,
I've been a biggest fan of you. I love your chicks, I love your boys. I love your chicken and i love your baboys, I even love your nilasing na hipon and your sinigang sa miso na salmon. I chose to have an affair with you because you seemed to have a cool place plus the staff seems to be nice and definitely you've got good food! You were my trophy then. I tried to brag you around my friends.
I can see how they envy me whenever i am with you. Pero ngayon ko lang nakilala ang totoong CHICKBOY. Kung sino ka, at kung pano mo ko tratuhin. Dalawang linggo na ang nakakalaipas mula ng pinakain mo ako ng ginisang kangkong na may pagka-laki laking bulate o caterpilar o kung ano man yun.
I can see how they envy me whenever i am with you. Pero ngayon ko lang nakilala ang totoong CHICKBOY. Kung sino ka, at kung pano mo ko tratuhin. Dalawang linggo na ang nakakalaipas mula ng pinakain mo ako ng ginisang kangkong na may pagka-laki laking bulate o caterpilar o kung ano man yun.
Gusto ko lang ipaalala sayo kung ano ang mga pangyayari nun, nung hindi mo ko hinarap. Matapos kong umorder pati ang kasama ko ng dalawang lechong liempo,isang regular ice tea, at isang botomless,pati na ang bago niyong labas na salmon sashimi at siyempre pa,hindi mawawala ang pagkasarap sarap na ginisang kangkong. Ang total bill namin ay 358php...Sa pagkakaalam ko yung lang ang inorder ko at hindi kasama ang bulate.
Nagyon habang ngasab ako ng ngasab sa aming kinakain, napansin ng kasama ko na oily yung kangkong. sabi ko "Masarap nga yun, oily". nung tinikman ko, ok naman, para lang may petroleum gelly ka lang na kinakain with kangkong, pero ok lang. kumain pa rin kami, may natira pang konti sa kangkong sabi ko ako nalang uubos sayang. Tapos Bigla nalang may sumulpot na mahaba at mataba na nilalang sa kangkong. sabi ko "Ano to?", sabi ng kasama ko "Ay, baka talong". Natawa pa ko, sabi ko "Ang galing may libreng talong!" Sinubukan kong hiwain ito sa pamamagitan ng tinidor, pero ang kunat nito. hanggang sa itinihaya ko ito. At sa pagtihaya ng nilalang, tumambad sa akin ang kanyang mga paa at pati ang mukha nito na parang nagsasabing " Alam mo this time pwede kang magreklamo, tutal nasipsip mo na buong pagka bulate ko, at isa pa obvious naman na ang laki ko".
Alam mo Chickboy hindi naman ako mahirap ka relasyon, sa totoo lang hindi ko alam kung malas lang ako sa mga ganitong bagay, kasi dati sa ibang kainan, may ipis na maliit na kasama sa pagkain ko, langaw, uod na maliit.. Pero ito naman, sobra naman sa laki na imposibleng hindi mo makita! So, siyempre sa hitsura pa lang siguro naman ok lang na mag complain ako no? pati nga mga waiters niyo nagulat sa sobrang laki, yung iba nga kinuhaan pa ng picture. Tapos yung supervisor niyong hindi ko itatago ang pangalan na si Glaiza, namutla talaga, tumawag kagad sa Management. halos ayaw na kong harapin. ang sabi lang niya sa akin. "Mam, paltan nalang ho namin yung kangkong" what??? Sa tingin mo ba kakain pa ko ng mga pagkain niyo pagkatapos ng lahat? na nasipsip ko na ang buong pagkabulate ng nilalang sa kangkong ko?. Kumalma naman ako, pero yun pa rin ang sinabi ko. sabi niya "Ma'm ano ho bang gusto niyo?".
Strike 2!
siyempre sinagot ko "Ang gusto kong malaman kung bakit may malaking bulate sa kangkong ko at hindi niyo nakita!". Lalong namutla yung Glaiza at sabi "Mam babayaran nalang po namin lahat ng kinain niyo". Mainit pa ang ulo ko, pero tumango nalang ako. Pero binawi ko rin ito after awhile, mga limang minuto, kasi gusto ko nalang i take out ang kangkong na may bulate. Malapit ko na sanang palampasin ng dumating ang magiting niyong head waiter na di ko na alam ang pangalan.
Sabi ko kasi kay Glaiza, i take out ko yung kangkong na may bulate.E ayun na nga, etong si head waiter sumabat na ang sabi "Mam, wait lang ho, kasi nirereview ho pa namin yung sa cameras, kasi may mga naka-install na cameras dito eh"
Strike 3!
Ah ganon, hindi ako tanga, at alam ko kung ano ang gusto mong sabihin pwes inunahan ko na. sabi ko "Mabuti pa i review niyo ng malaman niyo kung sino naglagay ng malaking bulate sa kangkong ko! at makita niyo rin kung gaano ako sumuka pagkakain ko ng kangkong niyo!, akin na, akin na ang tinake out kong kangkong na may bulate!" aba strike 4 humirit pa ang waiter na ito at sinabing "Naku, mam pag ho binayaran na kayo hindi niyo na ho makukuha yung kangkong."
Strike 4!
Aba, ako pa pala ang mukang pera. eto ang sabi ko "Kuya, di ka ba nakikinig? sinabi ko na kanina pa kay Glaiza, na di na ko magpapabayad ng kinain namin ang gusto ko lang yung kangkong na may bulate! ngayon, ibigay mo sa akin yung kangkong ko kasi binayaran ko yon!kaya akin na ang kangkong na may bulate!" hindi na nakaimik pa si kuya at ang lahat. edi nataranta kayo ngayon. May meeting ako nung hapon ding iyo at kailangan ko ng umalis. Sabi ko" Excuse me, may meeting pa ako babalik ako mamayang gabi, at mamayang gabi ibigay niyo na sa akin ang kangkong na may bulate at ipakausap niyo nalang sa akin may ari nito para hindi na kayo ma mroblema" . Sa totoo lang naawa pa ko, dahil mga tauhan lang sila at hindi nila alam kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon.
So bumalik nga ko kinagabihan.. Pinaharap niyo sa akin yung isa niyo pang supervisor o pang gabi, sabi niya tinapon na raw yung kangkong na may bulate, pero tinawag ko yung Glaiza. Sabi niya "Ay mam hindi pa ho namin tinatapon", ano ba yan sobrang halatang nagsisinungaling kayong dalawa.. So si supervisor or manager na pang gabi, inexplain sa akin kung ano ang proseso niyo ng pagluluto ng kangkong. Sabi ko, nasa proseso ba ng pagluluto ang paghuhugas ng gulay?. You're not getting my point. Since wala kayong maisagot, nilagay niyo ko sa isang tabi tapos bumalik kayo kasa ang isang food checker at dalawang pulis.
Akala ko yung pulis, yung kami ang nagpadala, since na reklamo na namin sa kamias station na wala rin naman palang nagawa. Ngayon, ang akala ng mga pulis na ito masisindak niyo ko, well well well nagkamali ka..dahil sa pagkakataong ito ako ang tama at ako ang complainant! at sasabihin pa sa akin ng mga pulis na ito na, ang mali ng isa ay hindi mali ng lahat…ang point dito may sinabi ba akong ganun? ang point dito bakit may bulate sa kangkong ko! tapos hihiritan pa ako, na may food checker kayo, na one year na kayong operational. Tinanong ko siya kung siya ang manager, hindi ko na hinintay kung tumango man siya o hindi. sabi ko
" Pwes ang pangit ng management niyo! Alam niyo, kung kayo takang taka kung bakit may bulate sa kangkong ko, mas lalo na ako!Dahil NASIPSIP KO LANG NAMAN ANG BUONG PAGKABULATE NIYA. Ngayon, kung iniisip niyo na ako ang naglagay ng nilalang diyan, sana man lang hindi ko ginisa sa kakainin kong kangkong at lasap na lasap ko ang laman ng bulateng yan! ngayon, kung ayaw ibigay sa akin ang kangkong kong may bulate, kumuha kayo ng limang bulate at sipsipin niyo sa harap ko ok na ko! hindi niyo na kailangang kainin yung balat tutal yung laman lang naman nakain ko!" Ayun, natahimik kayo..nag alisan na sila,medyo natawa pa nga sa monologue ko. Tapos in the end after more than 30 min of waiting. nag reklamo na ako at kailangan kong umalis. Yung mga pulis, niyaya ako sa loob ng room. Pumunta naman ako at sinundan ako ng kasama ko.
At tong mga pulis nato ang unang tanong.."Ano ho ba ang gusto niyo?" pwes sinagot ko siya " kuya, paulit ulit? pa-ulit ulit? ikaw ang sumagot ng tanong mo! ang gusto ko yung kangkong na may bulate"! tapos natahimik siya, sinabi niya na mam, kasi medyo napataas ang boses niyo dun sa labas.
Nilaksan ko ang boses ko na pang main theater ng ccp..sabi ko," Ako pa ngayon ang may kasalanan!ako na nga nakakain ng bulateng pagkalakilaki! at isa pa, una sa lahat, bakit niyo kasi ako nilagay sa gitna ng mga customers niyo? at isa pa, bakit ikaw ang kausap ko? part owner ka ba ng chickboy?"ayun natahimik ang pulis patola.. sabi ng kasama ko. "bakit ba kampi kayo sa kanila eh kami ang complainant! at isa pa kaya gusto namin kunin yung kangkong na may bulate kasi gusto namin kayo ireklamo sa BFAD. bigyan lang ng leksiyon."
Sabi ko."alam niyo, kung kayo nag SORRY nalang hindi na siguro nangyari yung ganito!" papano, ang yayabang pa, napaka defensive kagad. hindi aminin ang mali! sabi ng pulis.."mam, di pa ho ba sila nagsorry?" sabi ko "hinde!!!inexplain niyo lang naman sa akin ang tungkol sa pagnenegosyo, kung papano dinedeliver ang mga gulay niyo at kung papano niyo pinapatakbo ang chickboy!!!"….
Anyway, bago pa makagawa ako ng gulo, pinakalma na ko ng kasama ko at aalis nalang kami…gusto ko lang sabihin sa'yo CHICKBOY na wag niyo kong lekturan sa pagnenegosyo mag seminar muna kayo ng TUNGKOL SA SANITATION, HOW TO DEAL WITH CUSTOMERS, AND HOW TO BE HUMBLE! At sa tingin ko dapat rin kayo manood ng mga bagong episodes sa KNOWLEDGE CHANNEL UPANG MALAMAN NIYO KUNG PAPANO ANG TAMANG PAGNENEGOSYO AT MALAMAN ANG "BATUKTALI" sa pagnenegosyo! 10 episodes yun. Panoorin niyo LAHAT!
At ngayong pasko lalo na't maraming pamilya ang mag bonding sa labas at definitely kakain, sana Maging maiingat kayo sa mg pagkaing sineserve niyo. At kung mangyari muli yun, isipin niyo ang kung kayo ang nasa posisyon ng customer. Minsan naiisip ko, nung sa karinderya ako kumakain, wala pa akong na experience na ganito. Kung kelan sa mga mas mahal at mas established pa na restaurant, dun pa pumapalya!
At para sa yo CHICKBOY I'm ending this relationship! Gaya ni KC and Piolo, Ni Rhian at ni Mo twister I'm ending this relationship with a bang! Full of controversy. Goodbye CHICKBOY may you rest in peace just like the poor HUMONGOUS CATERPILLAR WHICH COULD'VE BEEN A BEAUTIFUL MARIPOSA, ONLY IF I HADN'T EATEN IT.
P.S. BTW, sent you some pics as a souvenier!!! Enjoy!!
Not yours anymore,
The Customer who ate Kangkong with BULATE
Reply from Chic-Boy's Facebook
THE COMPETITOR IS DESPERATE!!!
There are rumors going around Facebook that a caterpillar (or "bulate" as they call it) was found in our Ginisang Kangkong sa Bawang. If you are familiar with Chic-Boys ginisang kangkong sa bawang, our kangkong is cut into bits. HOW COME IN THE PHOTO THEY POSTED, THE CATERPILLAR IS WHOLE?
We are not surprised with this demolition job. We have only been in the market for a year and a half and we have grown to 64 opened stores and 48 under construction. Do you think the competition will just take us sitting down?
We are entrepreneurs who has good business ethics. We will build our name and business by giving our best to our customers and not destroy the name of our competitor for our gain. You be the judge!!!!