Sunday, November 20, 2011

Killer Hepa Laganap Na


Ang Hepatitis B ay isang seryosong impek­syon na nagdudulot ng isang matinding karamdaman. Ang virus na tag­lay nito ay patuloy na sumusugat sa ating atay at maaa­ring maging sanhi ng pagkamatay. Ayon sa mga datos, ito ay itinalagang panlima (5) sa mga uri ng sakit na kumikitil ng maraming buhay.

Sa Pilipinas, higit kumulang na sa 10 porsiyento ng kabuuang populas­yon (8.5 milyon) katao na ang may chronic Hepatitis B at tatlong porsi­yento ng bilang na ito ang posib­leng mauwi sa cirrhosis o liver cancer kung hindi maaagapan ng lunas.

At ito rin ang dahilan kung bakit marami tayong mga kababayang OFW at seaman ang hindi na makapagtrabaho sa abroad o makasampa ng barko.

Dahil dito,ang saki­t na ito ay nakaka­apekto sa kalusugan at ganoon din sa pinansyal na suliranin ng ating mga kababayan.

Source: Abante Online