Saturday, July 2, 2011

Pinakamataas na Bilang ng mga Pinoy na Nagpositibo sa HIV/AIDs, Naitala Ngayong Taon



NAITALA ngayong taon ang pinakamataas na bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa sakit na Human Immuno-Deficiency Virus/ Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Nitong Mayo lamang, nakapagtala ang National HIV and AIDS Registry ng 184 HIV cases na pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas.

Matatandaang noong nakaraang taon, 153 kaso lamang ng HIV ang naitala mula Enero hanggang Disyembre.

Nabatid na 96 sa mga bagong kaso ay mula sa Metro Manila kung saan 52% ito ng kabuuang bilang ng HIV/AIDS positive.

(source: RMN news)