Saturday, July 23, 2011

40 Biktima ng Food Poisoning sa South Cotabato



Umabot sa 40 katao ang naging biktima ng food poisoning matapos na kumain ng karne ng kalabaw sa Sitio Tinugas, Brgy. Ned Lake Sebu, South Cotabato.

Sinabi sa Bombo Radyo Koronadal ni Dads Bacalzo, legislative staff ni 2nd District Rep. Daisy Avance Fuentes, nakaranas ng pagkahilo, panunuka at pananakit ng tiyan ang mga biktima matapos na kumain ng karne ng kalabaw na kinatay makaraang magkasakit.

Nasa 12 umano sa mga ito ang nagpapagaling pa sa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital, habang kinilala naman ang lima na sina Renz Casuyon, 9; Mark Casuyon, 5; Reyan Casuyon, 4; Riza Tambasin, 24, at Nuralyn Janoi, 46.

Nagpadala na ng medical team sa naturang lugar upang tinggan ang sitwasyon ng iba pang nakakain na mga residente.

Samantala patuloy naman ang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng naturang food poisoning.

(source: Bombo Radyo)