Wednesday, June 8, 2011

PERFORMANCE NI DIRK NOWITZKI, INIHALINTULAD KAY MICHAEL JORDAN

By Bombo Radyo Online

DALLAS - Kailangan lamang daw ng pahinga at uminom ng gamot para maging handa na sa Game 5 ng NBA Final. Ito ang inihayag ni Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki, matapos ang panalo laban sa Miami Heat. Naglaro si Nowitzki na may lagnat at naitala ang isang pambihirang performance sa NBA Finals history.

Ayon kay Dirk, sinus infection ang iniinda nito sa Game 4 at magpapahinga lamang siya ngayong araw at bubuti na ang pakiramdam sa Biyernes. [ FULL STORY ]