By Bombo Radyo Online Ipinapatapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Fukushima Daiichi nuclear plant sa Japan ang mga legal adviser ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa pagsusulong ng panukala para sa pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Tahasang sinabi ng senadora na ipinahamak ng mga legal adviser si Pangulong Aquino dahil hindi pinaiintindi dito na labag sa Konstitusyon ang postponement ng eleksyon sa ARMM. |