Tuesday, March 1, 2011

4 PINOY 'HOSTAGE' NI GADHAFI!


By Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon)
gaddafiNagmistulang hostage ang apat Pinoy na kasambahay ng umano’y pamilya ni Libyan President Moammar Gadhafi matapos na pigiling makalabas sa kanilang tahanan upang makasama sa isinasagawang full repatriation ng Pilipinas sa may 30,000 mamamayang Pinoy na nasa Libya.

Bunsod nito, pinanga­ngambahan na malagay sa peligro ang buhay ng apat na OFW dahil na rin sa banta ng Estados Unidos na gagawin nila ang ano mang uri ng paraan upang mapuwersang bumaba sa puwesto si Gadhafi na sinasabing wala na sa sariling kontrol at ‘ganid’ na sa kapangyarihan.
more