Nina Aries Cano at Rose Miranda, abante.com.ph
Tatlumpung Filipino na na-stranded sa isang hotel sa Fukushima ang pinupursiging mailikas ngayon ng embahada ng Pilipinas sa Japan sa pakikipagtulungan sa local authorities doon.Ito ay kasunod ng ulat na mahigpit na mino-monitor ngayon ang ‘radiation leak’ sa Daiichi nuclear power plant na nasa Fukushima.
