Sunday, March 13, 2011

1.2-M PINOY LIGTAS SA RALLY SA SAUDI


Ni Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon)
saudiNapawi ang pangamba ng may 1.2 milyong Pinoy na nagtatrabaho sa Saudi Arabia matapos na mabigo ang maliit na puwersa ng anti-goverment protesters sa kanilang idinaos na “Day of Rage” rally sa iba’t ibang rehiyon sa nasabing bansa.

Ayon sa Migrante Middle East, nagmistulang ‘flop’ ang rally noong Marso 11 dahil mabilis na nabuwag ng mga sundalo, pulis at mga nakaposteng tangke ang may 200 raliyista na tumungo sa mga lansangan.
more