Ni Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon)
Matapos ang mahigit isang linggong paghahanap, idineklara nang patay ang may 11 Pinoy na nawawala sa gumuhong Canterbury Television (CTV) building matapos na tumama ang 6.3 magnitude na lindol sa New Zealand noong Pebrero 22.
Ito ang kinumpirma ng DFA matapos na tumawag kay Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang foreign minister ng New Zealand para magpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng mga nabiktima ng lindol na pinaniniwalaang natabunan ng gumuhong CTV building sa Christchurch City.