By Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) Hindi umano malayong umabot hanggang kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang natuklasang korapsiyon sa militar. Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, masyadong malaking pera ang sangkot kaya imposible umanong walang ibang taong nasa likod ni dating Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Angelo Reyes. |