Nagkasundo man ang mga senador na maghinay-hinay o i-moderate ang pagtatanong sa mga naiimbitahang resource person, mas magiging mabagsik naman sila sa mga nagsisinungaling.
“Well kung talagang nagsisinungaling, ayaw sumagot, eh iko-contempt namin sila, ikukulong namin dito sa Senado,” seryosong babala ni Senate President Juan Ponce Enrile.