by Dindo Matining, abante-tonite.com Iminungkahi ni Senador Edgardo Angara na magbago ng estilo ng pangangasiwa ang gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino III kung saan dapat itong maging ‘anticipatory type’ sa halip na ‘reactive type of governance’. Ang mungkahi ni Angara ay bunsod ng pagkadismaya nito sa pamahalaan dahil sa tila walang ginagawang hakbangin para maibsan ang matinding epekto ng krisis sa Gitnang Silangan. “Magbago na sana ng style of governance, new governance of module. Anticipatory type of governance instead na reactive type of governance,” pahayag ni Angara sa panayam ng dzBB kahapon. |