Ni Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon)
Dahil epektibo at positibo ang resulta sa pinatutupad na traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, pinag-iisipan na rin ng ahensiyang ipatupad ito sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila lalu sa mga lugar na madalas na nagaganap ang sakuna.Nais ng MMDA na limitahan sa 60-kilometro lamang kada oras ang takbo ng mga sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard at OsmeƱa Highway bago pumasok ng South Luzon Expressway (SLEX).

