BREAKING NEWS »

Sunday, April 28, 2013

Michael Fareñas, Panalo laban sa Texas vs Zayas






AUSTIN, Texas -- Nagtala ng impressive TKO victory ang Filipino fighter na si Michael Fareñas kontra sa Mexican opponent na si Gerardo Zayas.

Sa opening round, tatlong beses na pinabagsak ng tubong-Sorsogon na si Fareñas si Zayas sa kanilang scheduled 8 rounder faceoff sa Erwin Center, Austin, Texas.

Sa oras na 2:59, tinapos ng Pinoy boxer ang laban.

Dahil sa panalo, lumakas ngayon ang pagkakataon ni Fareñas para sa isang title shot sa susunod na laban nito sa ilalim ngTop Rank Promotion.

"Salamat sa lahat inyong lahat sa suporta at sa pagdarasal," ang maikling mensahe ni Fareñas sa isang panayam.

Source : Bomboradyo